Mga Laro ng Traktor

Pagkatapos ng isang mahabang araw ng pagtatrabaho sa bukid, wala nang mas masarap pa kaysa sa mag-relax at magtanggal ng pagod gamit ang kaunting aliw. Sa Mga Laro ng Traktor, may pagkakataon kang i-upgrade ang iyong sariling fleet ng malalakas na makinang pangsakahan at itulak ang kakayahan ng mga ito sa sukdulan—mula sa pag-aani ng mga pananim, pag-alis ng niyebe sa mataong siyudad, hanggang sa mabibigat na konstruksyon. Tibay at lakas ang puhunan ng mga traktor kaya’t nakakatuwang tanungin: Paano kaya sila sa takbuhan? Ang sagot? Nakakatuwang panoorin at kahanga-hanga ang mga Traktor na Pangkarera! Mula sa umuusok na makinang mala-leon ang ungol, talagang nakakabighani ang mga paligsahang ito.
Kung ikaw ay mahilig sa mga farm simulator o gusto mo lang sumubok ng bago, tiyak na may bagay para sa ‘yo sa aming malawak na koleksyon ng Mga Laro ng Traktor. Sumakay sa kotseng klasiko ng bukirin, makisig na traktor pangkarera, o dambuhalang traktor pang-demolisyon. Sa dami ng libreng laro na pwede mong pagpilian, paniguradong hindi kailanman naging boring ang mga traktor! Pamahalaan ang sarili mong bukid, alagaan ang iyong lupa, at tapusin ang masasayang misyon para sa mga premyo. Sa tingin mo ba’y kaya mong humarap sa matitinding karibal mula sa iba’t ibang dako ng mundo? Tara na at patunayan mo na ikaw ang ultimate na pro sa pagsasaka!









